Inihayag ng Maritime Industry Authority o MARINA na mahigit na isang milyong Pilipinong seafarers, 73,027 ay babae.
Paliwanag ng MARINA na ang datos ay batay sa pinakahuling listahan na binigyan ng Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) noong Disyembre 2018, patunay na ang seafaring ay hindi lamang sa mga lalake.
Dahil dito patuloy ang suporta ng MARINA sa mga kababaihan upang patunayan na maaari rin silang maging mahusay sa industriya ng seafaring.
Kamakailan ay nagsagawa ng Seminar Workshop sa Ender and Development na ang layon ay maipaunawa ang kahalagahan ng mga konsepto para sa GAD at bilang bahagi ng mga programa at polisiya sa maritime industry.
Facebook Comments