10 naaresto sa Marikina habang nagsasagawa ng relief operations, pinalalaya ni Mayor Marcy Teodor

Ipinag utos ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang pagpapalaya sa Sampung indibiduwal na inaresto ng PNP Marikina habang nagsasagawa ng relief operation.

Ito matapos mapagkamalang rallyista ang grupo ng mga Tsuper at Development workers dahil sa paglalatag nila ng placards na nananawagan ng mass testing.

Giit ng Alkalde, wala siyang nakikitang masama sa dalang placard ng grupo at sumasang-ayon naman sa itinatadhana ng Bayanihan to Heal as One Act ang ginagawa nilang Relief at Humanitarian Mission.


Nagpaalam din aniya sa City Hall ang nasabing grupo kaya binigyang diin ni Teodoro na walang dapag isampang kaso ang Pulisya sa mga naaresto lalo at wala naman aniya silang napeperhuwisyo bagkus ay tumutulong pa sa publiko.

Dagdag pa ng Alkalde, ngayong Labor Day aniya ayon sa batas ay binibigyang kalayaan ang sinuman na maghayag ng kanilang saloobin nang walang nilalabag na batas o panuntunan na nakapamiminsala sa mas nakararami.

Ang panawagang Mass Testing ng grupo ay suportado rin ni Teodoro na isa rin sa nagsusulong para sa libreng testing para sa lahat ng Pilipino upang mailayo sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments