10 natatanging Pilipino, pinarangalan sa Malacañang

Pinarangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sampung natatanging guro, sundalo, at pulis sa 2025 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos Awarding Ceremony sa Malacañang.

Iginawad ng Pangulo ang Medallion of Excellence bilang pagkilala sa kanilang tapat na serbisyo sa bayan.

Kabilang sa mga tumanggap ng pagkilala at parangal sina:

1. PMSg Ivan A. Velasco
2. PMAJ Elmira A. Relox
3. PCOL Frederick E. Obar
4. UO1 Anro Anthony M. Turallo, PN
5. Col Ricky L. Canatoy, PA
6. Col. Joey T. Fontiveros, PA
7. Mr. Noel V. Sadinas
8. Mr. Armando Perfecto C. Molin
9. Ms. Mylene M. Uy
10. Angelo Mark P. Walag, PhD

Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga pinarangalan ay patunay na may mga lingkod-bayang tapat, may malasakit, at may integridad.

Sa gitna aniya ng mga hamon sa bansa, sila ang sagot sa tanong kung mapagkakatiwalaan pa ba ang pamahalaan.

Facebook Comments