Isinusulong ni Senator Francis Tolentino na maitaguyod ang indigenous sector sa pamamagitan ng paglalaan sa Indigenous People’s (IPs) ng 10 percent ng slot sa military at police academies.
Sa ilalim ng Senate Bill 1587 o ang panukalang Katutubong Tagapagtanggol Act na inihain ni Tolentino, layong kilalanin at itaguyod ang civil, political, economic, social at cultural rights ng IPs at ng kanilang mga komunidad.
Layon rin aniya nitong masiguro na maigagawad sa kanila ang kanilang mga karapatan, proteksyon at pribilehiyo tungkol sa recruitment at employment.
Sa ilalim ng panukala, imamandato ang Philippine Military Academy (PMA) at ang Philippine National Police (PNP) na tumanggap ng IPs sa kanilang academic programs at tiyaking hindi magkakaroon ng diskriminasyon sa kanila dahil lamang sa kanilang pisikal na itsura, social, cultural background at mga paniniwala.
Inaatasan naman ang Department of National Defense (DND) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na mamuno sa nasabing programa.