10 NPA at 5 Milisyang Bayan, Nagbalik-loob sa Gobyerno; mga Armas Isinuko!

5192

Cauayan City, Isabela- Sampung (10) regular na kasapi ng New People’s Army (NPA) na kinabibilangan ng isang (1) mataas na lider at limang (5) milisya ng bayan (MB) ang kusang nagbalik-loob sa gobyerno nito lamang ikalawang Linggo ng Enero ng taong kasalukuyan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, ang 10 na mga rebelde at 5 milisyang bayan ay sumuko sa 95th IB ng 5ID, PA, OPCON Units at sa PNP San Mariano dala ang kanilang matataas na klase ng armas.


Isninuko ng mga ito ang limang (5) M16 Rifles, isang (1) M653 rifle, isang (1) Cal 45 pistol, isang (1) Cal 38, isang (1) homemade shotgun, 17 na Improvised Explosive Devices (IED’s) at mga bandila ng NPA.

Ayon kay alyas “Dennis”, dating Supply Officer ng Central front, KR-CV at recruiter ng NPA sa bayan ng San Mariano, hindi na nito natiis ang pagsisinungaling ng kanyang mga lider dahil hindi rin aniya natupad ang mga ipinangakong tulong para sa kanyang pamilya.

Nanawagan naman ito sa mga naiwang kasama na magbalik loob na rin sa gobyerno at kanyang pinabulaanan na hindi papatayin o sasaktan ng tropa ng pamahalaan ang sinumang rebelde na susuko.

Facebook Comments