10 Nurse, Katuwang sa Mangangasiwa sa Pagdating ng mga LSIs at OFW

Cauayan City, Isabela- Magsisilbing katuwang ang 10 nurses bilang bahagi ng medical team sa Provincial Quarantine Facility na matatagpuan ng sa Punta Amelita Resort, Cordon, Isabela.

Batay sa ulat ng Isabela Police Provincial Office, ito ay sa kahilingan ng Provincial Health Office na madagdagan ang medical team na siyang mangangasiwa sa mga paparating pang Locally Stranded Individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos (ROFs) na magbabalik probinsya para matiyak ang kanilang kondisyon laban sa banta ng COVID-19

Pinangasiwaan naman ni PLTCOL. Jonard De Guzman ang mga gagawin ng binuong medical team ng kapulisan.


Sa ngayon ay may kabuuan ng 1,547 na LSIs na nakabalik na sa kanilang hometown sa ilalim ng Balik-Probinsya Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Facebook Comments