Halos 10 porsiyento o 175,266 na registered overseas Filipino ang nakaboto na.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Marlon Casquejo, hindi pa ito pinal dahil ilan sa mga post ay hindi pa nagsumite ng bilang ng overseas voters na nagpasa ng kanilang mail-in ballots.
Sa nasabing bilang ng mga nakaboto na, 76,745 dito ang mula sa Asia Pacific at 1,809 sa Amerika.
Nasa 13,462 overseas voters naman ang bumoto sa Europe habang 83,450 na Pilipinos ang bumoto na sa Middle East at Africa.
Ang posts ay pinaikling Foreign Service Posts na tumutukoy sa mga embahada, konsulado, foreign service establishments, at iba pang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas sa ibang bansa.
Facebook Comments