10 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Maynila

 

Nasa limang bahay at isang simbahan ang natupok sa nangyaring sunog sa Malate, Maynila.

Partikular sa eskinita ng Pasaje de Galvan kanto ng Lein Guinto sakop ng Brgy., 724 Zone 79.

Nagsimula ang sunog ng alas-12:21 ng madaling araw na inabot ng ikatlong alarma saka tuluyan naapula ng alas-3:30 ng madaling araw.


Kaugnay nito, nasa sampung pamilya ang apektado ng sunog kug saan inabot rin ang ikalaaang palapag ng St. Martin de Porres Church.

Wala naman napaulat na nasugatan o nasawi sa insidente habang pansamantalang nananatili sa covered coury ng kabilang barangay ang mga nasunugan.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng mopping operation ang Bureau of Fire Protection-National Capital Region lalo na sa ikalaqang palapag ng nasabing simbahan na may parte na umuusok pa.

Facebook Comments