10 pang tanggapan ng Smart Communications Inc., sa Makati City, ipa-padlock na rin

Nakatakda na ring ipadlock ng Makati Local Government Unit (LGU) ang sampu pang tanggapan ng Smart Communications Inc., sa lungsod.

Ayon kay Makati City Administrator Claro Certeza, ito ay kapag nabigo pa rin ang Smart na magbayad ng kanilang buwis sa mga susunod na araw.

Kahapon unang kinandado ng Makati LGU ang main office ng Smart sa lungsod.


Iginiit ni Certeza na bigo rin ang nasabing telco na magpakita ng mga dokumento na magpapatunay na nagbayad din sila ng buwis sa ibang LGU.

Ikinakatwiran kasi ng Smart na hindi lamang mga taga-Makati ang kanilang subscribers kaya dapat maliit lamang ang buwis na kanilang babayaran.

₱3.2 billion na buwis ang sinasabing hindi binayaran ng Smart mula taong 2012-2015.

Facebook Comments