10 Panibagong Kaso ng COVID-19, Kinumpirma ng DOH 02 Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Sampung panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Cagayan Valley na nagdadala sa kabuuang bilang ng mga kaso sa rehiyon sa 140.

Kinumpirma ngayong araw, July 9, 2020 ng DOH region 02 ang sampung panibagong kaso kung saan anim na COVID-19 positive ang naitala sa Probinsya ng Isabela na kinabibilangan ng mga bayan ng Alicia, Cordon, Echague, Roxas, San Manuel at Tumauini.

Ang apat (4) na kaso ay naitala naman sa Lalawigan ng Cagayan mula sa bayan ng Lal-lo, Enrile at Baggao na kung saan ay dalawa ang naitalang nagpositibo dito.


Nagsasagawa na ng contact tracing ang mga kinauukulan para sa mga naging ‘close contacts’ at sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo.

Sa 140 na kabuuang kaso ng COVID-19 sa Region 02, 71 dito ay mga aktibong kaso, 49 ang recovered, labing siyam ang clinically recovered at isa (1) ang namatay.

Facebook Comments