10, patay sa pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat

Umabot na sa 10 indibidwal ang nasawi dahil sa hagupit ng Bagyong Enteng at Habagat.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga ito ay mula sa CALABARZON, Regions 6 at 7 na pawang for validation pa.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng sampung sugatan.


Samantala, umaabot na sa 37, 867 pamilya o katumbas ng 147,000 mahigit na indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa 338 na mga barangay sa Regions 3, 5, 6, 7, CALABARZON, at NCR.

Sa nasabing bilang 30,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 218 na mga evacuation center habang nasa halos 2,000 katao naman ay mas piniling makituloy sa kanilang kaanak o manatili sa kanilang mga tahanan.

Facebook Comments