Wednesday, January 14, 2026

10 Pinoy icons, tampok sa pinakabagong stamp collection ng Post Office

Inilabas na ng Philippine Post Office (PHLPost) ang panibagong stamp collection kung saan tampok ang 10 world-renowned Filipino icons.

Tampok sa “Living Legends: World-Renowned Filipinos” sina Lea Salonga, Paeng Nepomuceno, Eugene Torre, Efren Bata Reyes at si Jollibee.

Kasama rin sina lingerie designer Josie Natori, Fil-Am NBA star Jordan Clarkson, techpreneur Diosdado Banatao, industrial designer Kenneth Cobonpue, at fashion designer na si Monique Lhuillier.

Inihayag ni Postmaster General Norman Fulgencio na ito ay pagbibigay-kilala at pagpupugay sa mga Pinoy legend na naging tanyag sa kani-kanilang larangan.

Balak din ng PHLPost na maglabas ng bagong henerasyon ng postcards upang mapukaw ang interes ng mga kabataan at matatanda sa pakikipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay.

Ito ay una lamang sa tatlong stamp series na ilalabas bilang pag-alala sa ika-254 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Postal Service.

Facebook Comments