10 Pinoy nakaligtas sa pagsabog sa Russia

88

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nadamay na Filipino sa nangyaring pagsabog sa Russia noong bisperas ng Bagong Taon.

Matatandaang nangyari ang pagsabog sa isang apartment building kung saan 14 ang naitalang nasawi.

Sa inisyal na impormasyon sinabi ni Ambassador to Russia Carlos Sorreta na nasa ligtas nang kalagayan ang 10 Pinoy sa nasabing lugar.

Tiniyak naman nito na patuloy na aalalayan ang mga Pinoy at nakahandang tumulong kung kinakailangan.

Sa ngayon tuloy ang paghahanap sa 30 indibidwal mula sa mga guho.

Ayon sa mga otoridad, gas leak ang dahilan kung bakit naganap ang pagsabog.

Facebook Comments