10 Pinoy sa Gaza, nakatakdang bumalik sa bansa ngayong weekend

Nakatakdang bumalik sa bansa ngayong weekend ang nasa sampung Pinoy mula sa Gaza.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo de Vega, may kabuuang 26 na Pilipino ang nananatili pa rin sa Gaza ngunit wala pang kalahati ang makakauwi sa Pilipinas.

Ang ilan kasi umano sa mga Pinoy ay may mga asawa na walang permit upang payagang makalabas ng Gaza.


Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng DFA sa mga Pinoy na nais nang makauwi sa ating bansa.

Facebook Comments