Naniniwala ang Philippine Nurses Association (PNA) na walang kakulangan sa suplay ng nurse sa Pilipinas.
Ayon kay PNA President Melvin Miranda, batay sa datos ng Department of Health ay mayroon tayong 617,898 na nurses as of December 2021 pero 301,944 lamang dito ang demand sa bansa.
Pero paglilinaw ni Miranda, hindi pa kasama rito ang mga nurse na nagtatrabahong kontraktwal.
“So kung ia-analyze po natin, may something na parang oversupply pero kokonti yung demand. This is simply a consideration na yung tinatawag natin na plantilla positions. Yung iba po kasi nating nurses ay naka-place sa contract basis o job order na hindi naka-count dun sa demand,” paliwanag ni Miranda.
Kaugnay nito, isinulong ng grupo kay incoming President Bongbong Marcos Jr. ang kanilang 10 plus 1 agenda na kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Inclusive implementation ng nursing salary kung saan gagawing pareho ang sahod ng mga nurse sa government at private hospitals
2. Plantilla positions for nurses
3. No contractualization
4. Comprehensive expanded health benefits
5. Representation ng mga nurse sa health boards
6. Expanded role of nurses kung saan nakapaloob ang pagbibigay ng advance practice nursing upang makilala ang mga nurse na may specialization
7. Protected overseas market for nurses
8. Positive practice environment for nurses
9. Government scholarship for nursing
10. 3-year universal healthcare service orientation/ return of service sa bansa
11. Pagsasabatas sa Substitute Nursing Bill o proposed Philippine Nursing Act
Samantala, tumaas ang bilang ng mga nurse na nakapasa sa licensure exam ngayong taon.
Sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), 6,617 ang nakapasa ngayong taon na 68% ng kabuuang 9,729 na examinees.
Mas mataas ito kumpara sa 47.35% na naitala mula 2017 hanggang 2021 kung saan aabot sa 44,404 mula sa kabuuang 93,728 examinees ang nakapasa.
Ayon kay Miranda, karamihan sa mga kumuha ng exam ngayong taon ay mga repeater at mga graduate ng nursing na nagtrabaho muna pero hindi nag-take ng exam.
Samantala, ang mga kukuha ng nursing licensure exam sa November 2022 ay ang unang batch ng mga graduates na dumaan sa K-12 curriculum.
“Ngayon pa lang po magkakaroon tayo ng bulk ng graduates. Ito pa lang, magte-take ng November 2022. So as I mention, yung mga nag-take ng May 2022 are most nasa old curriculum na sila at sila po yung mga nagbalik sa propesyon,” ani Miranda.
“D’yan po natin makikita yung transition curriculum tsaka yung sistema ng K-to-12. However, meron ding mga factors to consider dahil nga po meron tayong two years na pandemic na hindi natin inexpect sa ating pag-implement ng delivery ng instructions ng curriculum,” dagdag niya.