10-point Economic Agenda, inilabas ni Mayor Isko Moreno sakaling maupo bilang pangulo ng bansa

Inilabas na ni Mayor Isko Moreno, ang kaniyang 10-point Economic Agenda sakaling manalo sa Election 2022.

Ang mga ito ay Housing, Education, Labor and Employment, Health, Tourism and Creatives, Infrastructure, Digital Transformation and Industry 4.0, Agriculture, Good Governance at Smart Governance.

Ang mga nabanggit na agenda ang siyang magsisilbing gabay ng kaniyang administrasyon para mabilis maisulong ang pag-unlad ng tao at ekonomiya kung sakaling maupo sa pwesto.


Naniniwala si Mayor Isko, maging ng partido nito na sa pamamagitan ng inilatag nilang agenda, aangat ang kalidad ng pamumuhay ng publiko.

Sinisiguro rin ni Mayor Isko, na maisasakatuparan ang mga naturang agenda sa pamamagitan ng pagluklok sa pwesto ng mga nararapat na tao sa kada departamento, ahensiya o tanggapan ng pamahalaan.

Aniya, ang mga agenda na ito ay mapapakinabangan ng bawat pilipino ng pantay-pantay.

Kaniya rin iginiit na mananatili o ipagpapatuloy pa rin ang magagandang proyekto ng pamahalaan at wala rin siyang balak na balikan ang nagdaang administrasyon.

Isa rin sa sinabi ni Mayor Isko na sakaling manalo, wala siyang planong ipasailalim sa International Criminial Court ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong reklamo sa drug war dahil naniniwala siya sa umiiral na batas na ipinapatupad sa Pilipinas.

Facebook Comments