Pinagtibay ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang inilatag na 10-point policy agenda for economic recovery ng National Economic Development Authority (NEDA).
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, inaatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tiyakin na lahat ng kanilang mga patakaran, mga hakbang at programa ay nakalinya sa 10-point policy agenda.
Kabilang dito ang patuloy na paggamit ng metrics sa pagtatakda ng Alert Level System sa bansa; tuloy-tuloy na pagbabakuna; matatag na healthcare capacity; pagbubukas ng ekonomiya at mobility; pagbubukas ng mga klase sa paaralan; masiglang domestic travel gayundin ang international travel; digital transformation; pandemic flexibility bill; at medium-term preparation para sa pandemic resilience.
Tiniyak naman ng NEDA na imo-monitor nila ang compliance ng mga ahensya ng gobyerno sa 10-point policy agenda on economic recovery at magbibigay ng periodic report kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary.