10 presidentiables, naghain ng COC ngayong araw

10 presidentiables ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw kabilang na si Manila Mayor Isko Moreno.

Sa vice presidentiables naman ay 3 ang naghain ng COC ngayong araw kabilang na ang running mate ni Moreno na si Dr. Willie Ong.

Sa kabuuang 15 presidentiables na ang naghain ng COC habang 7 ang vice presidentiables.


Sa senatoriables naman, 16 na ang naghain ngayon at kabuuang 38 na ang nag-file ng kandidatura

Sa hanay ng partylist groups, 8 ang naghain na ngayong araw ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).

Kabuuang 46 partylist groups na ang naghain ng CONA simula noong Biyernes.

Facebook Comments