10 pulis kalikasan na itatalaga sa bawat bayan, isusulong ng TGP Partylist sakaling manalo sa darating na halalan

Ika-limang araw na ng paghahain ng kandidatura para sa mga sasabak sa 2025 Midterm Elections.

Ilan na sa mga nakapaghain ngayong araw si Talino at Galing ng Pinoy o TGP Partylist Deputy Majority Leader Congressman Jose “Bong” Teves Jr.

Naghain na rin ng certificate of nomination – certificate of acceptance of nomination (CON-CAN) ang TGP Partylist na sakaling palarin ay magiging ikatlong termino na sa Kongreso.


Ayon kay TGP Partylist Representative Bong Teves, kasama sa kanilang isinusulong ay ang libreng serbisyong medikal para sa mga Pilipino.

Gusto rin aniya nilang isulong na maalis na ang doctor’s fee lalo para sa mahihirap na pasyente.

Sa usapin naman ng climate change, isusulong nila ang magkaroon ng 10 pulis kalikasan na itatalaga sa bawat bayan na sa ngayon ay iisa lan, at ang walang habas na iligal na pamumutol sa mga puno kasi ay malaki ang epekto sa kalikasan.

Facebook Comments