10 quarantine violators, dinakip sa Maynila

Inaresto ang 10 residente kaugnay ng pinatupad na lockdown sa tatlong barangay sa Maynila.

Ito ay bagama’t naging mapayapa naman ang pagpapatupad ng lockdown na nagtapos kahapon ng hatinggabi at sinimulan noong March 11.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Leo Francisco, ang mga naarestong quarantine violators ay mula sa Barangay 351 sa Tayuman sa Sta. Cruz.


Wala namang naitalang violators mula sa Barangays 725 at 699 sa Malate.

Dinala ang mga violators sa Tondo High School para sa COVID testing.

Bukod sa tatlong barangay, inilagay rin sa lockdown ang Bayview Mansion Building at ang Hop Inn Hotel.

Facebook Comments