Nababahala ang Department of Health (DOH) dahil malapit nang malagpasan ang bilang ng kaso ng dengue na naitala noong 2016.
Sa datos ng DOH, nasa 10 rehiyon na sa bansa ang lumampas sa epidemic threshold.
Kabilang na rito ang Metro Manila, Calabarzon, Bicol, Mimaropa, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen at Bangsamoro Region.
Mula Agosto 4 hanggang 10, kalahati ng bansa ang nakatala ng higit 600 kaso ng dengue.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – kahit mababa ang kaso ng dengue kumpara sa ibang bansa timog-silangang Asya, hindi nila ito ikinatutuwa.
Iginiit din ni Duque na hindi dapat ituring na gamot ang ‘tawa-tawa.’
Facebook Comments