10 rehiyon sa bansa, nabakunahan na ang lagpas sa 70% ng populasyon nito

Kinumpirma ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakamit ng sampung rehiyon sa bansa na mabakunahan ang lagpas sa 70% ng kanilang populasyon kontra COVID-19.

Ayon kay Galvez, nanguna ang National Capital Region kung saan nakapagtala ito ng 114.1 percent na vaccination rate habang sinundan naman ito ng Ilocos Region na mayroong 86.4% vaccination rate.

Nakapagtala din ng lagpas 70% vaccination rate ang Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Davao Region.


Bagamat bigong makamit ang 70% vaccination rate ay hindi naman nalalayo ang datos ng Bicol Region, Eastern Visayas, CARAGA, MIMAROPA, Central Visayas at SOCCSKSARGEN.

Kulelat naman sa listahan ang BARMM kung saan nasa 28.02% lamang ng populasyon nito ang fully vaccinated kaya personal na tutungo si Secretary Galvez sa Zamboanga at Basilan upang hikayatin ang mga kapatid nating muslim na magpabakuna laban sa nakamamatay na virus.

Facebook Comments