10 residente ng Barangay Hulo Mandaluyong, nakatanggap ng ayuda mula sa Radyo Saya ng DZXL Radyo Trabaho

Walang mapaglagyan ng saya ang sampung masuswerteng residente ng Barangay Hulo, lungsod ng Mandaluyong, matapos isagawa ang Radyo Saya ng DZXL 558 Radyo Trabaho ngayong araw.

Lahat sila ay nakatanggap ng sampung kilong bigas, mga produkto ng ACS, cash prize, at personalized goods mula sa DZXL Radyo Trabaho.

Si Aling Jennifer Perado, isang vendor ng nasabing lugar ay isa sa mga nakanggap ng mga regalo.


Aniya, dahil sa pandemiya, natigil ang ang kaniyang maliit na negosyo, dahilan para maapektuhan ang kaniyang kita na sakto lang sa pang-araw-araw ng kaniyang pamilya.

Ang natanggap niyang cash prize ay gagamitin niya bilang puhuhan upang makapagtinda muli sa kalsada.

Ang Radyo Saya ay isang proyekto ng RMN Networks, kung saan katuwang nito ang DZXL 558 Radyo Trabaho at ACS Manufacturing Corporation.

Facebook Comments