Kasabay ng pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy (COC), inilabas ng Social Weather Stations at Pulse Asia ang resulta ng kani-kanilang senatorial preference survey.
Batay sa SWS survey noong Marso at Setyembre, 13 pangalan ang may tiyansang makapasok sa “Magic 12” kung saan nangunguna sina ACT-CIS rep. Erwin Tulfo at dating Senator Tito Sotto.
Pasok din sa listahan sina Senator Pia Cayetano, dating Pangulong Rodrigo Duterte, Imee Marcos, Ping Lacson, Bong Revilla, Camille Villar, Abby Binay, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher “Bong” Go.
Habang sa survey ng Pulse Asia noong September 6 hanggang 13, nakasama ang pangalan nina:
Erwin Tulfo
Ben Tulfo
Tito Sotto
Pia Cayetano
Bong Go
Rodrigo Duterte
Abby Binay
Bong Revilla
Ping Lacson
Manny Pacquiao
Imee Marcos
Ronald “Bato” Dela Rosa
Lito Lapid
Kapansin-pansin na 10 sa 12 pambato ng administrasyong Marcos sa 2025 senatorial race ang nanguna sa parehong survey.