Naipasa na sa Kamara at naiakyat na sa Senado ang sampu sa kabuuang 20 panukalang batas na inilatag ni Pangulong Ferdinang Marcos Jr.
Ito ay batay sa report ng Presidential Legislative Liaison Office.
Ayon sa pangulo, kuntento siya sa progreso ng mga isinusulong nitong priority bills sa Kongreso.
Ilan lamang sa mga ito ang tax package 4: Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act o PIFITA; Government financial institutions unified initiatives to distressed enterprises for economic recovery o Guide Bill; Internet Transaction Act o E-Commerce Law; paglikha ng medical reserve corps; Paglikha ng Philippine Centers for Disease Prevention and Control; paglikha ng Virology Institute of the Philippines at iba pa.
Ayon naman sa Presidential Communications Office na kabilang sa mga sinertipikahan ni Pangulong Marcos bilang urgent na panukalang batas ang Fiscal Year 2023 General Appropriations Bill, pag-amyenda sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Professionalism Act, Maharlika Investment Fund, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps at National Service Training Program.
Ang mga natitira namang sampu pang SONA priority bills ay nasa committee level pa ng Kamara at Senado
Ilan dito ang paglikha ng Department of Water Resources o DWR, E-Governance Act, Government Rightsizing Program, National Land Use Act at iba pa.