10 sa 38 COVID-19 patients sa Mandaluyong City Medical Center Hospital, fully vaccinated

Inihayag ng pamunuan ng Mandaluyong City Medical Center Hospital na mayroon ito ngayon naka-confine na 38 indibidwal na COVID-19 positive.

Batay sa kanilang tala, 10 rito ay mga fully vaccinated na laban sa COVID-19, kung saan pito sa kanila ay nakitaan ng moderate symptoms, dalawa ang mild at isa ang severe.

Habang ang pito naman sa kanila ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna at lahat sila ay nakaranas ng moderate symptoms.


Ang natitirang 21 naman ay hindi pa bakunado laban sa nasabing sakit, kung saan, ito rin ang nakaranas ng medyo malalang sintomas ng COVID-19 at isa na sa kanila ang nasawi.

Patuloy pa namang tumatanggap ng mga COVID-19 patient ang ospital.

Facebook Comments