10 SAF teams, ipinakalat narin upang tumulung sa pagpapanatili ng social distancing sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila

Idineploy na rin sa iba’t-ibang strategic areas ang 10 teams ng elite force ng Philippine National Police (PNP) ang Special Action Force.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Joint Task Force COVID-19 Shield Lieutenant General Guillermo Eleazar, partikular na ipinakalat ang mga miyembro ng SAF sa mga pamilihan nang sa gayun ay malimitahan ang pasok ng mga mamimili at mapanatili ang social distancing

Ayon kay Gen Eleazar, mas maghihigpit na ngayon ang mga otoridad sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) lalo na’t isang linggo na lamang ay matatapos na ang umiiral na ECQ sa buong Luzon.


Siniguro rin nito na mayroon silang sapat na bilang ng mga pulis na nagmamando sa quarantine control points katuwang ang Highway Patrol Group (HPG) para matiyak na tanging ang mga authorized persons outside residence lamang ang lalabas ng kani-kanilang mga tahanan.

Kasunod nito muling umapela si Gen. Eleazar sa publiko na manatili sa loob ng tahanan nang sa ganun ay hindi masayang ang higit isang buwan na nating sakripisyo para labanan ang COVID-19.

Facebook Comments