10 sakay ng dayuhang barko na lumubog sa Cagayan, nawawala pa rin – PCG

Manila, Philippines – Patuloy pa rin ang sinasagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard sa mga tripulante ng MV Emerald Star na lumubog sa karagatan ng Santa Ana Cagayan nitong Biyernes.

Ayon kay PCG Spokesperson Commander Armand Balilo, labing anim sa mga sakay ng naturang hongkong vessel ang nailigtas na habang sampu pa, kabilang ang kapitan ng barko, ang pinaghahanap pa rin hanggang ngayon.

Dagdag pa ni Balilo na nahihirapan ang PCG sa paghahanap ng mga nawawalang tripulante dahil sa lakas ng alon sa lugar.


Sa kabila nito, hindi nawawalan ng pag-asa ang mga tauhan ng PCG na mahahanap pa rin ang mga nawawala.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na ang Coast Guard sa Embahada ng Hongkong.

Biyaheng Hongkong patungong Malaysia ang naturang barko nang lumubog dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Odette.

Facebook Comments