10% seating capacity sa indoor dine-in services ng mga restaurant, dinepensahan ng DTI

Dinepensahan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpapatupad ng 10% seating capacity sa mga restaurant na para lamang sa mga fully vaccinated.

Giit ng kalihim, hindi naman ito maituturing na discriminatory.

Katunayan, bawal dapat ang indoor dine-in services sa ilalim ng Alert Level 4 pero dahil sa kagustuhang mabuksan ang ekonomiya ay nagkasundo silang payagan ito.


“Hindi po yun yung inendorse natin dito dahil sa tingin namin at base na rin sa opinyon ni Justice Secretary Guevarra ay medyo discriminatory din ho yun,” aniya.

“Dito, mapapansin niyo, ang nababago lang yung operational capacity except dito nga sa Alert Level 4. Kasi theoretically, bawal dapat yan, pero para lang mabuksan, nag-agree na sa indoor ang safe lamang ay yung vaccinated so we will not risk the unvaccinated,” paliwanag ni Lopez sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments