Positibo sa COVID-19 ang sampung staff ni Senator Richard Gordon na siya ring Chairman ng Philippine Red Cross.
Ayon kay Gordon, matapos lumabas ang resulta ng COVID-19 test ay agad sumailalim sa quarantine ang nabanggit niyang mga staff.
Bukod dito ay sinimulan na rin ang contact tracing procedures para matukoy kung sinu-sino ang kanilang nakasalamuha at agad magawa ang nararapat na hakbang.
Dahil may exposure sa kanyang mga staff, ay sumailalim na rin sa COVID-19 test si Gordon, pati ang kanyang misis at dalawang kasamahan sa bahay at negatibo naman ang naging nagresulta nito.
Gayunpaman, nagpasya si Gordon na magsagawa sila ng self-imposed isolation sa bahay para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga makakasalamuha sa hinaharap.
Facebook Comments