10 tagasuporta ni Jonvic Remulla na nasangkot sa vote buying, kinasuhan

Kinasuhan na ang 10 tagasuporta ng tumatakbong gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla dahil sa umano’y vote buying.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa omnibus election.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya matapos makatanggap ng impormasyong may nangyayaring “vote-buying” o pamimili ng boto sa nasabing barangay.


Nakuha sa mga suspek ang mga brown envelope na may lamang tig-P200.

Nakumpiska rin ang higit P83,000, mga plastic bag ng baller at notebook na may mga nakalistang pangalan.

May nakuha ring campaign t-shirts na may nakasulat na pangalan ni Remulla at kapartidong si Jolo Revilla, na muling tumatakbo sa pagkabise gobernador.

Inamin ni Remulla na mga tauhan niya ang mga naaresto pero hindi umano sila namimili ng boto.

Ipinauubaya naman muna ng Commission on Elections (Comelec) sa Cavite police ang imbestigasyon sa mga naaresto.

Facebook Comments