10 tao kabilang ang 2 menor de edad, arestado dahil sa hazing; biktima, isang Grade 6 student na mentally challenged

Nakakulong na ngayon ang sampung suspek matapos ang ginawang hazing sa isang Grade 6 student na may mental disability sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ang mga suspek na sina Alma Lanorio, 42 anyos; John James Bordeos, 19 anyos; Patrick Lloyd Aala, 20 anyos; Jay-C Antiguerra, 31 anyos; Earel Manalo, 33 anyos; Angelita Villarin, 41 anyos; Christian Cuerdo, 23 anyos; Romar Soriano, 24 anyos; at dalawang menor de edad.

Batay sa ulat ng Lipa City Police Station, tumungo sa kanilang himpilan ang biktimang si Ellyse Kristen Leigh Punzalan, 18 anyos, kasama ang kanyang lola at inireklamo ang mga suspek.


Kwento niya sa mga pulis, ang isa sa mga suspek ay sinundo siya sa kanilang bahay at dinala sa isang bakanteng lote sa Brgy. Sabang, Lipa City kung saan naroon ang nasa 20 miyembro ng Alpha Khapa Rho.

Pagkatapos, siya ay piniringan at pinaghahampas sa hita gamit ang paddle bilang bahagi raw ng initiation rites.

Nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law at paglabag sa RA 76102.

Facebook Comments