10 tao, patay sa nangyaring pamamaril sa isang supermarket sa Colorado, USA

379

Tinatayang 10 katao ang nasawi sa nangyaring pamamaril sa isang supermarket sa Boulder City, Colarado, USA.

Ayon kay Boulder Police Chief Maris Herold, kabilang sa nasawi ang isang pulis na unang rumesponde sa insidente.

Agad namang nadakip ng otoridad ang sugatang suspek at dinala sa ospital para sa atensyong medikal.


Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamahalaan sa pamilya ng nasawi at binigyang-pugay din ang nasawing pulis.

Facebook Comments