10 Tips para Mapanatiling Malusog ang Ating Katawan Tuwing Tag-lamig

Ngayong pumasok na ang ber-months, ay siya na ring pagdating ng hanging amihan na kung saan naglalabas ito ng malamig na hangin na naaabsorb naman ng ating katawan, may mga pagkakataon na dahil sa lamig ng panahon nagkakaroon tayo ng ubo’t sipon depende sa kung paano mag rereact ang ating katawan sa lamig.

Kung ikaw ay madalas dapuan ng sakit dala ng malamig na panahon, narito ang 10 tips para magin malusog ang ating katawan ngayong tag-lamig:

  1. Uminom ng bitamina araw araw tulad ng Vitamin C para mas mapanatili nating malusog ang ating katawan.
  2. Maging aktibo sa iba’t ibang ehersisyo.
  3. Ugaliing maglinis ng ating katawan para maiwasan ang iba’t ibang bacteria o virus na dulot ng hangin.
  4. Uminom ng Herbal Tea: Ang herbal tea ay gamot sa ubo, sipon at sore throat na karaniwang uso tuwing tag-lamig. Mga tsaa na may halong ginger, basil o mint ay mas mainam din.
  5. Magluto ng mga pagkaing panlaban sa malamig na panahon.
  6. Magkaroon ng sapat na tulog lalo na kapag malamig ang temperatura, dahil ang ating katawan ay nangangailangan ng phase recovery.
  7. Magsuot ng mga damit na angkop sa malamig na panahon tulad ng jacket at iba pa.
  8. Pag inom ng atleast 8 glasses of water araw araw.
  9. Ugaliing magpahid ng lotion sa katawan upang makaiwas sa mga sakit na dala ng hangin.
  10. Kung ikaw naman ay nasa Pilipinas, pwede mo namang balewalain ang siyam at magkape na lang.

 


Article written by Mark Anthony C. Herero

 

Facebook Comments