10 Top Most Wanted Person, Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng Pulisya sa Isabela

231

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 10 katao na most wanted sa iba’t ibang kinakaharap na kaso sa ilang lugar sa lalawigan ng Isabela.


Kinilala ang mga akusado na sina Renz Lowie Tongol, 34-anyos, binata, isang negosyante, Top 8 Provincial Level – Manhunt Charlie at residente ng Brgy, District 3, Cauayan City.

Nahaharap sa kasong Rape in relation sa RA 7610 o Child Abuse si Tongol habang wala namang inirekomendang piyansa nag korte sa pansamantalang kalayaan nito na nasa pangangalaga ng pulisya.

Dinakip din ang Top 5 Municipal level under Manhunt Charlie na si Manuel Agas, 35-anyos, isang OFW at residente ng Brgy Nueva Era, Cabatuan, Isabela.

Si Agas ay nahaharap sa kasong Concubinage habang inirekomenda ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng P30,000.

Maliban dito, inaresto din ang Top 1 Municipal level under Manhunt Charlie at Top 3 Provincial level-Manhunt Bravo na si Richard Garcia, 35-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Sta Cruz, San Manuel, Isabela

Nahaharap sa apat (4) na counts ng kasong rape ang akusado habang walang inirekomendang piyansa ang korte sa pansamantalang kalayaan nito.




Samantala, arestado din Top 3 Municipal Level Manhunt Bravo and Charlie na si Jesus Sanchez, 45-anyos, isang magsasaka at residente ng of Brgy. Daragutan West, San Mariano, Isabela.

Si Sanchez ay nahaharap sa kasong rape na walang kaukulang piyansang inirekomenda ang korte.

Nadakip na rin ang Top 6 Municipal Level Manhunt Bravo and Charlie na si Jesus Bagaoisan, 31-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Balagan, San Mariano, Isabela.

May kinakaharap na kasong frustrated murder ang akusado habang inirekomenda ng korte ang halagang P200,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Bukod dito, arestado ang Top 8 Municipal level under Manhunt Charlie na si Francisco Cacay, 58-anyos, isang magsasaka at residente ng Dibuluan, San Mariano, Isabela.

Inirekomenda ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang P200,000 para sa kasong frustrated murder.

Arestado rin ang Top 1 City Level Manhunt Bravo na si Jonathan Baccay, 26-anyos, may-asawa, isang seafarer at residente ng Brgy. Carabatan Chica, Cauayan City, Isabela.

Si Baccay ay may kinakaharap na kasong anim (6) na counts ng Illegal Recruitment habang wala naman inirekomendang piyansa ang korte sa pansamantalang kalayaan nito.

Naaresto na rin ng pulisya ang Top 8 Regional Level under Manhunt Charlie na si Frederick Catana, 33-anyos at residente ng RC Bañes District 1, Cauayan City, Isabela.

Si Catana ay nahaharap sa kasong limang (5) counts ng rape habang wala namang inirekomendang piyansa ang korte sa pansamantalang kalayaan nito.

Nadakip na rin ang TOP-7 MUNICIPAL LEVEL) MANHUNT BRAVO na si Marlon Apolinar, 29-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Mabbayad, Echague, Isabela.

Si Apolinar ay nahaharap sa kasong Attempted Homicide at inirekomenda ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang P6,000.

Samantala, arestado na rin ang Top 2 Municipal Level under manhunt Charlie and Bravo na si Leonardo Chavez, 40-anyos, isang porter at residente ng Barangay Villarobles, Palanan, Isabela.

Si Chavez ay may kinakaharap na kasong Theft at inirekomenda naman ng korte ang pansamanatalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng halagang P10,000.

 

Facebook Comments