10 volcanics earthquakes, naitala ng PHIVOLCS sa paligid ng Bulkang Kanlaon

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 10 volcanic earthquakes kaninang alas-dose ng tanghali sa paligid ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay PHIVOLCS Senior Science Research Specialist Dr. Paul Karson Alanis, wala pa ring na-de-detect na magiging dahilan ng pagsabog ng bulkan gaya noong Hunyo ngunit hindi pa rin nito isinasantabi ang posibilidad ng pagsabog nito at kung kailan man ito matatapos.

Sa ngayon, nakataaas pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon dahil sa pagbubuga nito ng abo at pinapaalahanan ang lahat ng residente na mag-ingat at huwag pumasok sa 4 KM Permanent Danger Zone.


Facebook Comments