10 WAREHOUSES AT BUYING STATIONS NG NFA REGION 1, BUMIBILI NG PALAY SA MGA MAGSASAKA

Nasa sampung warehouse at buying stations ng National Food Authority sa iba’t-ibang panig ng Ilocos Region ang pwedeng pagbentahan ng palay ng mga magsasaka.

Kabilang sa mga listahan ang dalawang warehouse sa Ilocos Norte na nasa Laoag City at Dingras, mayroon din sa Bantay Warehouse at buying stations sa Santa at Tagudin,Ilocos Sur; Pidigan, Abra; Mangatarem, Rosales, Sta. Barbara, Pangasinan; at Bangar, La Union.

Sa mga nabanggit na lalawigan, umiiral ang presyuhan na P23 kada kilo ng malinis at tuyong palay na may moisture content na 12-14 porsyento habang P17 kada kilo naman sa sariwa at basang palay na may moisture content na 22-29.9 porsyento.

Kinakailangan na pumasa sa naturang pamantayan ang ibebentang palay upang bilhin bilang pagtitiyak na tanging de-kalidad na palay ang maisama sa buffer stock ng bansa.

Bukas naman ang tanggapan sa anumang katanungan ng mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments