Babalangkas ang Cabinet Cluster on Education ng 10-year Integrated National Framework on Education Development Plan.
Ayon kay Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) Executive Director Karol Mark Yee, bagama’t maraming inter-agency committee na tumutugon sa learning at administrative gap sa bansa, pero hindi magkakatugma ang kanilang mga programa.
Kaya nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makabuo ng sistemang nakatutok sa pangkalahatang problema sa sistema at uri ng edukasyon sa bansa.
Natuklasan nila sa isinagawang national learning recovery program na ang mga mag-aaral na nasa learning camp ay mahina sa simple mathematics, gayong ang mga subject ng mga ito na dapat bunuin ay geometry, algebra at iba pang math subjects.
Kaya lumalabas aniya sa pag-aaral ng Programme for International Student Assessment (PISA) na kulelat ang mga Filipinong mag-aaral sa Mathematics at iba pang major subjects.