100 ANYOS NA LOLO SA BAYAN NG ASINGAN, NATANGGAP NA ANG KANYANG CASH INCENTIVES

Natanggap na kamakailan ng isang centenarian na magsasaka na si Lolo Alfredo Vizarra ang 100,000 pesos cash grant na insentibo mula sa pamahalaan.
Ayon sa DSWD, ang nasabing cash grant ay alinsunod sa Republic Act 10868 o kilala bilang “An Act Honoring and Granting additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians Act of 2016.”
Samantala, nauna ng tinanggap ni lolo Alfredo ang P10,000 na cash gift na mula sa lokal na pamahalaan at kasunod ang cash incentive mula sa provincial government.

Ang nasabing cash incentives ay isang mandatory para sa mga centenerian na tulad ni Lolo Alfredo. |ifmnews
Facebook Comments