Target ng DENR na maaaprubahan ang mga nalalabing 10-year Solid Waste Management Plans (SWMPs) ng mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa ngayong taon alinsunod sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Ayon sa National Solid Waste Management Commission, mula sa 1,592 LGUs, umabot na sa 1,147 sa mga ito ang naaprubahan ang SWMPs.
Upang makamit ang 100 percent na target, nanawagan ang EMB sa natitirang 445 LGUs na hindi pa nagsusumite at naaaprubahan ang SWMPs.
Hinimok din ng EMB ang mga gobernador at alkalde ng mga probinsiya, lungsod at munisipalidad na hindi pa naaaprubahan ang SWMPs na gumawa ng mabilisang aksiyon para sa pagsusumite ng mga plano na nangangailangan ng technical support.
Kinakailangan sa naturang plano ang pagbibigay ng atensyon sa implementasyon ng feasible reuse, recycling, at composting programs.