$100-B na commitment para sa Pilipinas sa ilalim ng Paris Agreement patungkol sa climate change, naging tema ng pag-uusap sa United Nations Framework Convention on Climate Change

Nagbunga na ang ginawang pag-giit ng Pilipinas sa United Nations para makatanggap ang mga developing countries ng tinatawag na climate finance.

Ayon kay Philippine Representative Climate Change Commission Vice Chairman and Executive Director Robert E.A. Borje, naging agenda sa 27th Session of Conference of the Parties ang patungkol sa climate finance partikular na ang na financial commitment para sa mga developed country gaya ng Pilipinas na lubhang apektado ng climate change.

Sinabi ni Borje na ang $100-B commitment ay manggagaling sa kontribusyon mula sa mga mayayamang estado bilang finance obligation at suporta sa mga at-risk developing nations.


Ang hakbang ay nasa ilalim ng Paris Agreement at bahagi ng target na makakuha ng mas mataas na Goal on Climate Finance sa pamamagitan ng New Collective Quantified Goal of the Glasgow Climate Pact.

Una nang iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magbayad ang mayayamang bansa ng danyos dahil sa ambag nito hinggil sa lumalalang climate change.

Ito naman ay sinegundahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kung saan ay sinabi nito sa nakaraang United Nations General Assembly (UNGA) na dapat tuparin ng industrialized countries ang kanilang obligasyon na may kinalaman sa climate financing.

Facebook Comments