UPDATE – Tinatayang nasa 100 bahay ang naabot sa nangyaring sunog sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City, Linggo ng umaga.
Nagsimula ang sunog pasado alas-6:00 ng umaga sa isang residential area Block 32 Extension.
Alas-7:30 kanina nang itaas ng Bureau of Fire Protection sa fourth alarm ang sunog at makalipas lang ang 20 minuto ay iniakyat na ito sa fifth alarm.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials gaya ng kahoy ang mga bahay.
Naging pahirapan din sa mga bumbero ang pag-apula sa apoy dahil sa masikip na daan papasok sa pinangyarihan ng sunog.
Alas-8:34 nang makontrol ang sunog hanggang idineklarang fireout dakong alas-9:32.
Ayon sa BFP, nasa walong milyong pisong halaga ng ari-arian ang napinsala ng sunog habang nasa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Pansamantala silang mananatili sa covered court ng barangay.
INiimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog.