100 bisekleta, ipamimigay sa mga empleyado ng San Juan City Government

Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na mamimigay siya ng 100 bisekleta para sa mga empleyado ng city hall na gustong magbisekleta papasok sa trabaho.

Ayon kay Mayor Zamora, markado na ang bike lane sa lungsod na mag-uumpisa sa N. Domingo Street patungo ng Ortigas Avenue hanggang sa intersection ng Connecticut Street.

Paliwanag ng alkalde, dadaan ang bike lane sa ilang pangunahing pasilidad at institusyon sa San Juan City kabilang na ang San Juan Medical Center, San Juan City Hall, Greenhills Shopping Center hanggang sa bahagi ng Cardinal Santos Medical Center.


Facebook Comments