100% budget utilization, tiniyak ng DSWD bago matapos ang 2025

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magagamit ang lahat ng pondo ng ahensiya bago matapos ang taon.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, walang pondo ng ahensiya ang masasayang at mawawalan ng bisa at iginiit na bawal sa DSWD ang pondong hindi nagagamit.

Paliwanag niya, katumbas ito ng serbisyong hindi naibibigay sa mga pamilyang nangangailangan.

Partikular na rito ang Sustainable Livelihood Program (SLP) na mayroong mahigit P6 billion na pondo.

Nasa 61.9% naman o katumbas ng mahigit P3.7 billion na ang obligated funds ng SLP hanggang Hulyo.

Facebook Comments