100% capacity sa mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng Alert Level 1, iminungkahi ng LTFRB

Imumungkahi ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang hanggang 100% kapasidad sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) sakaling isailalim na sa Alert Level 1 ang National Capital Region.

Dahil dito, itataas sa full passenger capacity ang mga pampublikong sasakyan mula sa kasalukuyang ipinatutupad sa 70%.

Pero kailangan pang aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang nasabing rekomendasyon.


Kaugnay nito, nanawagan ang LTFRB sa publiko na huwag pa ring makampante at magpatuloy lamang sa pagsunod sa ipinatutupad na health protocols.

Dapat pa rin aniyang magsuot ng facemask ang mga pasahero at palagiang pag-disinfect ng saksakyan ang mga tsuper.

Facebook Comments