Sa kabila nito, tinitiyak ng transport sector na magiging sulit ang kanilang biyahe habang ang ilan namang pasahero ay labis na ikinatuwa ang pagbabalik sa normal ng mga commuters.
Samantala, problemado naman ang lahat ng traysikel drayber sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at umaasa ang grupo na mabigyan sila ng konsiderasyon ng mga pasaherong kanilang maisasakay.
Sa kasalukuyan, wala pa umanong natatanggap na ayuda ang kanilang hanay upang maibsan ang kanilang sitwasyon.
Ilan din sa problema ngayon ang mga nakiki pasada lang o nakiki boundary na mga tsuper kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Bahagyang ikinatuwa naman ng ilang tsuper ang hindi na pag-obliga ng ilang commuter na singilin ang kanilang sukli dahil batid aniya ng mga ito ang kalbaryo ng kanilang grupo.