100 CHILD LABORERS AT KANILANGMAGULANG SA CAOAYAN, ILOCOS SUR, BINAHAGIAN NG TULONG BILANG BAHAGI NG KAMPANYAKONTRA CHILD LABOR

Isang daang child laborers at kanilang mga magulang ang nakatanggap ng tulong mula sa Department of Labor and Employment Regional Office 1 sa isang Information and Service Caravan na isinagawa sa Caoayan, Ilocos Sur, bilang bahagi ng kampanya laban sa child labor.

Kasama ang Regional Council Against Child Labor at iba pang ahensya ng gobyerno, namahagi ang DOLE ng school supplies, food packages, hygiene at health kits, pati na rin ang financial assistance sa bawat benepisyaryo.

Nagkaroon din ng libreng medical check-up, legal consultation, haircut at massage services, pati na rin National ID registration.

Ayon sa ahensya, layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman tungkol sa batas laban sa child labor, suportahan ang edukasyon ng mga bata, at maitaguyod ang kanilang kapakanan.

Facebook Comments