100% conviction rate sa drug cases, target ng PNP

Nais makamit ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang 100% conviction rate sa mga kaso ng iligal na droga na isasampa ng PNP.

Kaugnay nito, nagpasalamat si PGen. Acorda sa Department of Justice (DOJ), sa kanilang inilabas na Department Circular No. 20 na ayon kay Acorda ay malaking tulong para makamit ang kanilang target.

Nabatid na ang DOJ circular No. 20 ay nag-aatas sa mga piskalya na maging bahagi ng unang stage ng imbestigasyon sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.


Ani Acorda, nag-usap na sila ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, upang maipatupad ito hanggang sa pinaka-mababang lebel ng pulisya.

Paliwanag nito, may ilang kaso kasi silang isinasampa sa piskalya pero nababasura dahil sa isyu ng teknekalidad.

Facebook Comments