100 COVID-19 patients, bibigyan ng anti-flu drug na Avigan bilang bahagi ng clinical trial, DOH

Tinatayang 100 COVID-19 patients sa bansa ang papainumin ng anti-flu drug na Avigan mula sa Japan bilang bahagi ng clinical trial sa pagtuklas ng gamot laban sa Coronavirus disease.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipapadala ng Japan ang nasabing gamot dahil mayruon ng ‘go signal’ na isagawa ang clinical trial sa mga susunod na araw.

Sa ngayon ayon kay Vergeire ginagawa na nila ang protocol kung paano pipiliin ang mga ospital at kung sino sa mga pasyente ang isasali sa clinical trial.


Maliban dito kumukuha na rin sila ng clearances para sa Avigan mula sa ibat ibang institusyon sa ating bansa.

Kasunod nito binigyang diin ni Vergeire na boluntaryo ang gagawin nilang clinical trial sa mga COVID-19 patients kung kaya kinakailangan aniyang may consent mula sa pasyente ang gagawin nilang clinical trial.

Facebook Comments