Aabot sa 100 dumpsite sa bansa ang ipinasara ng Department on Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, alinsunod ito sa Republic Act 9003 o Solid Waste Management Law at ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Maituturing lamang aniyang labag sa batas ng pagbubukas ng mga dumpsites, kaya mas mabuting ipatigil na ang operasyon ng mga ito.
Sa mga lugar sa Pilipinas, as of January 2021 nangunguna ang Mimaropa sa may pinakamaraming bilang ng open dumpsites na may 28, sinundan ng Western Visayas na may 19.
Wala namang ibang nakabukas na dumpsites sa Cagayan Valley, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region at Metro Manila sa nasabing panahon.
Facebook Comments